Ezekiel 26

“Sinabi pa ng Makapangyarihang Panginoon sa mga taga-Tiro: Ang mga nakatira sa tabing-dagat ay manginginig sa takot kapag narinig nila ang pagkawasak ninyoʼt pagkamatay, at ang pagdaing ng inyong mga sugatan.

Ezekiel 26:15 (UKJV) Thus says the Lord GOD to Tyrus; Shall not the isles shake at the sound of your fall, when the wounded cry, when the slaughter is made in the midst of you?

13Patitigilin ko ang mga awitan ninyo at pagtugtog ng alpa.

14Ang lugar ninyo ay gagawin kong isang malapad na bato at magiging patuyuan na lang ng lambat ng mga mangingisda. Hindi na muling maitatayo ang inyong lungsod ninyo sapagkat ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

15“Sinabi pa ng Makapangyarihang Panginoon sa mga taga-Tiro: Ang mga nakatira sa tabing-dagat ay manginginig sa takot kapag narinig nila ang pagkawasak ninyoʼt pagkamatay, at ang pagdaing ng inyong mga sugatan.

16Ang mga pinuno ng mga tabing-dagat ay bababa sa kanilang trono, huhubarin ang kanilang mga damit panghari at naggagandahang damit-panloob. Uupo sila sa lupa na nanginginig sa takot dahil sa sinapit mo.

17At tataghoy sila nang ganito para sa iyo: ‘Paano kang bumagsak, ikaw na tanyag na lungsod na tinatahanan ng mga tao sa tabing-dagat? Makapangyarihan ka sa karagatan at kinatatakutan ng lahat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.