Ezekiel 26

Ang lugar ninyo ay gagawin kong isang malapad na bato at magiging patuyuan na lang ng lambat ng mga mangingisda. Hindi na muling maitatayo ang inyong lungsod ninyo sapagkat ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

Ezekiel 26:14 (UKJV) And I will make you like the top of a rock: you shall be a place to spread nets upon; you shall be built no more: for I the LORD have spoken it, says the Lord GOD.

12Sasamsamin nila ang mga kayamanan at paninda ninyo. Wawasakin din nila ang mga pader at magagandang bahay ninyo. At itatapon nila sa dagat ang mga bato, kahoy at ang mga matitira sa winasak.

13Patitigilin ko ang mga awitan ninyo at pagtugtog ng alpa.

14Ang lugar ninyo ay gagawin kong isang malapad na bato at magiging patuyuan na lang ng lambat ng mga mangingisda. Hindi na muling maitatayo ang inyong lungsod ninyo sapagkat ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

15“Sinabi pa ng Makapangyarihang Panginoon sa mga taga-Tiro: Ang mga nakatira sa tabing-dagat ay manginginig sa takot kapag narinig nila ang pagkawasak ninyoʼt pagkamatay, at ang pagdaing ng inyong mga sugatan.

16Ang mga pinuno ng mga tabing-dagat ay bababa sa kanilang trono, huhubarin ang kanilang mga damit panghari at naggagandahang damit-panloob. Uupo sila sa lupa na nanginginig sa takot dahil sa sinapit mo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.