13“ ‘Nakipagkalakalan din sa iyo ang Gresya, Tubal at Mesec, at ang ibinayad nila sa iyo ay mga tao at mga gamit na yari sa tanso.
14“ ‘Ang ibinayad naman sa iyo ng mga taga-Bet-togarma ay mga kabayong pantrabaho at mga molang pandigma.
15“ ‘Nakipagkalakalan din sa iyo ang mga taga-Dedan at marami kang suki sa mga lugar sa tabing-dagat. At ang ibinayad nila ay mga pangil ng elepante at maiitim at matitigas na kahoy.
16“ ‘Nakipagkalakalan din sa iyo ang Siria dahil sa marami kang produkto. At ang ibinayad nila sa iyo ay batong turkois, telang kulay ube, pinong lino, mga binurdahang tela, mga koral at batong rubi.
17“ ‘Nakipagkalakalan din ang Juda at Israel at ang ibinayad nila sa iyo ay trigo mula sa Minit, igos, pulot, langis, at gamot na ipinapahid.