11Mga taga-Arvad at taga-Helek ang nagbabantay sa palibot ng iyong mga pader. At ang mga taga-Gamad ang nagbabantay ng iyong mga tore. Isinasabit nila ang kanilang mga kalasag at mga helmet sa iyong pader, at nagbibigay din ito ng karangalan sa iyo.
12“ ‘Nakipagkalakalan sa iyo ang Tarsis dahil sagana ka sa kayamanan. Ang ibinayad nila sa iyo ay pilak, bakal, lata at tingga.
13“ ‘Nakipagkalakalan din sa iyo ang Gresya, Tubal at Mesec, at ang ibinayad nila sa iyo ay mga tao at mga gamit na yari sa tanso.
14“ ‘Ang ibinayad naman sa iyo ng mga taga-Bet-togarma ay mga kabayong pantrabaho at mga molang pandigma.
15“ ‘Nakipagkalakalan din sa iyo ang mga taga-Dedan at marami kang suki sa mga lugar sa tabing-dagat. At ang ibinayad nila ay mga pangil ng elepante at maiitim at matitigas na kahoy.