Ezekiel 27

Mga taga-Arvad at taga-Helek ang nagbabantay sa palibot ng iyong mga pader. At ang mga taga-Gamad ang nagbabantay ng iyong mga tore. Isinasabit nila ang kanilang mga kalasag at mga helmet sa iyong pader, at nagbibigay din ito ng karangalan sa iyo.

Ezekiel 27:11 (UKJV) The men of Arvad with yours army were upon your walls round about, and the Gammadims were in your towers: they hanged their shields upon your walls round about; they have made your beauty perfect.

9Ang mga matatanda at bihasang karpintero na mula sa Gebal ang taga-ayos ng iyong mga sira. Pumupunta sa iyo ang mga tripulante ng ibang mga sasakyan at sa iyoʼy nakikipagkalakalan.

10“ ‘Ang mga sundalo mo ay mga taga-Persia, Lydia at Put. Isinasabit nila ang mga kalasag nila at helmet sa iyong pader na nagbibigay ng karangalan sa iyo.

11Mga taga-Arvad at taga-Helek ang nagbabantay sa palibot ng iyong mga pader. At ang mga taga-Gamad ang nagbabantay ng iyong mga tore. Isinasabit nila ang kanilang mga kalasag at mga helmet sa iyong pader, at nagbibigay din ito ng karangalan sa iyo.

12“ ‘Nakipagkalakalan sa iyo ang Tarsis dahil sagana ka sa kayamanan. Ang ibinayad nila sa iyo ay pilak, bakal, lata at tingga.

13“ ‘Nakipagkalakalan din sa iyo ang Gresya, Tubal at Mesec, at ang ibinayad nila sa iyo ay mga tao at mga gamit na yari sa tanso.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.