Ezekiel 27

Ang mga matatanda at bihasang karpintero na mula sa Gebal ang taga-ayos ng iyong mga sira. Pumupunta sa iyo ang mga tripulante ng ibang mga sasakyan at sa iyoʼy nakikipagkalakalan.

Ezekiel 27:9 (UKJV) The ancients of Gebal and the wise men thereof were in you your repairer of breaches: all the ships of the sea with their seamen were in you to occupy your merchandise.

7Ang layag moʼy gawa sa binurdahang pinong lino na mula pa sa Ehipto at parang bandila kapag tiningnan. Ang iyong tolda ay kulay asul at ube na mula sa tabing-dagat ng Elisha.

8Mga taga-Sidon at Arvad ang tagasagwan mo at ang mga bihasang tripulante ay nanggaling mismo sa sarili mong tauhan.

9Ang mga matatanda at bihasang karpintero na mula sa Gebal ang taga-ayos ng iyong mga sira. Pumupunta sa iyo ang mga tripulante ng ibang mga sasakyan at sa iyoʼy nakikipagkalakalan.

10“ ‘Ang mga sundalo mo ay mga taga-Persia, Lydia at Put. Isinasabit nila ang mga kalasag nila at helmet sa iyong pader na nagbibigay ng karangalan sa iyo.

11Mga taga-Arvad at taga-Helek ang nagbabantay sa palibot ng iyong mga pader. At ang mga taga-Gamad ang nagbabantay ng iyong mga tore. Isinasabit nila ang kanilang mga kalasag at mga helmet sa iyong pader, at nagbibigay din ito ng karangalan sa iyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.