8Mga taga-Sidon at Arvad ang tagasagwan mo at ang mga bihasang tripulante ay nanggaling mismo sa sarili mong tauhan.
9Ang mga matatanda at bihasang karpintero na mula sa Gebal ang taga-ayos ng iyong mga sira. Pumupunta sa iyo ang mga tripulante ng ibang mga sasakyan at sa iyoʼy nakikipagkalakalan.
10“ ‘Ang mga sundalo mo ay mga taga-Persia, Lydia at Put. Isinasabit nila ang mga kalasag nila at helmet sa iyong pader na nagbibigay ng karangalan sa iyo.
11Mga taga-Arvad at taga-Helek ang nagbabantay sa palibot ng iyong mga pader. At ang mga taga-Gamad ang nagbabantay ng iyong mga tore. Isinasabit nila ang kanilang mga kalasag at mga helmet sa iyong pader, at nagbibigay din ito ng karangalan sa iyo.
12“ ‘Nakipagkalakalan sa iyo ang Tarsis dahil sagana ka sa kayamanan. Ang ibinayad nila sa iyo ay pilak, bakal, lata at tingga.