Ezekiel 27

Ang layag moʼy gawa sa binurdahang pinong lino na mula pa sa Ehipto at parang bandila kapag tiningnan. Ang iyong tolda ay kulay asul at ube na mula sa tabing-dagat ng Elisha.

Ezekiel 27:7 (UKJV) Fine linen with broidered work from Egypt was that which you spread forth to be your sail; blue and purple from the isles of Elishah was that which covered you.

5Tulad ka ng isang malaking barko na gawa sa tablang abeto mula sa Senir. Ang palo moʼy gawa sa kahoy na sedro mula sa Lebanon.

6Ang mga sagwan moʼy yari sa kahoy na ensina mula sa Bashan. At ang sahig moʼy gawa sa mga kahoy na galing pa sa isla ng Cyprus na may disenyong gawa sa pangil ng elepante.

7Ang layag moʼy gawa sa binurdahang pinong lino na mula pa sa Ehipto at parang bandila kapag tiningnan. Ang iyong tolda ay kulay asul at ube na mula sa tabing-dagat ng Elisha.

8Mga taga-Sidon at Arvad ang tagasagwan mo at ang mga bihasang tripulante ay nanggaling mismo sa sarili mong tauhan.

9Ang mga matatanda at bihasang karpintero na mula sa Gebal ang taga-ayos ng iyong mga sira. Pumupunta sa iyo ang mga tripulante ng ibang mga sasakyan at sa iyoʼy nakikipagkalakalan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.