Ezekiel 27

Ang mga sagwan moʼy yari sa kahoy na ensina mula sa Bashan. At ang sahig moʼy gawa sa mga kahoy na galing pa sa isla ng Cyprus na may disenyong gawa sa pangil ng elepante.

Ezekiel 27:6 (UKJV) Of the oaks of Bashan have they made yours oars; the company of the Ashurites have made your benches of ivory, brought out of the isles of Chittim.

4Pinalawak mo ang nasasakupan mo sa karagatan. Talagang pinaganda ka ng mga nagtayo sa iyo.

5Tulad ka ng isang malaking barko na gawa sa tablang abeto mula sa Senir. Ang palo moʼy gawa sa kahoy na sedro mula sa Lebanon.

6Ang mga sagwan moʼy yari sa kahoy na ensina mula sa Bashan. At ang sahig moʼy gawa sa mga kahoy na galing pa sa isla ng Cyprus na may disenyong gawa sa pangil ng elepante.

7Ang layag moʼy gawa sa binurdahang pinong lino na mula pa sa Ehipto at parang bandila kapag tiningnan. Ang iyong tolda ay kulay asul at ube na mula sa tabing-dagat ng Elisha.

8Mga taga-Sidon at Arvad ang tagasagwan mo at ang mga bihasang tripulante ay nanggaling mismo sa sarili mong tauhan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.