12“Anak ng tao, managhoy ka para sa hari ng Tiro. Sabihin mo sa kanya: ‘Ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: Noon, larawan ka ng isang walang kapintasan, puspos ng kaalaman at kagandahan.
13Nasa Eden ka pa noon, sa halamanan ng Diyos. Napapalamutian ka ng ibaʼt ibang mamahaling bato gaya ng rubi, topaz, esmeralda, krisolito, onise, haspe, safiro, turkois at beril. Napapalamutian ka rin ng ginto na inihanda para sa iyo noong araw ng iyong kapanganakan.
14Hinirang kita bilang kerubin na magbabantay sa banal na bundok ng Diyos. Lumalakad ka sa gitna ng nagniningning na mga bato.
15Walang maipipintas sa iyong pamumuhay mula pa nang ikaw ay isinilang hanggang sa maisipan mong gumawa ng masama.
16Ang pag-unlad mo sa pangangalakal ang naging dahilan ng iyong pagmamalupit at pagkakasala. Kaya pinalayas kita, tagapagbantay na kerubin sa banal na bundok ng Diyos; pinaalis kita mula sa nagniningning na mga bato.