14Hinirang kita bilang kerubin na magbabantay sa banal na bundok ng Diyos. Lumalakad ka sa gitna ng nagniningning na mga bato.
15Walang maipipintas sa iyong pamumuhay mula pa nang ikaw ay isinilang hanggang sa maisipan mong gumawa ng masama.
16Ang pag-unlad mo sa pangangalakal ang naging dahilan ng iyong pagmamalupit at pagkakasala. Kaya pinalayas kita, tagapagbantay na kerubin sa banal na bundok ng Diyos; pinaalis kita mula sa nagniningning na mga bato.
17Naging mayabang ka dahil sa iyong kagandahan, at ang karunungan moʼy iyong ginamit sa paggawa ng masama upang maging sikat ka. Ito ang dahilan kung bakit ibinagsak kita sa lupa sa harapan ng mga hari, upang magsilbing babala sa kanila.
18Dahil sa napakarami mong kasalanan at pandaraya sa pangangalakal, dinungisan mo ang mga lugar kung saan ka sumasamba. Kaya sa harap ng mga nakatingin sa iyo, sinunog ko iyong ang lugar at ikaʼy nasunog hanggang sa maging abo sa lupa.