1Sinabi sa akin ng Panginoon:
2“Anak ng tao, sabihin mo sa pinuno ng Tiro na ako, ang Makapangyarihang Panginoon ay nagsasabi: ‘Sa iyong pagmamataas ay iyong sinasabi na isa kang diyos na nakaupo sa trono sa gitna ng karagatan. Ngunit ang totoo, kahit na ang tingin mo sa iyong sarili ay marunong katulad ng isang diyos, tao ka lang at hindi diyos.
3Iniisip mong mas marunong ka pa kaysa kay Daniel at walang lihim na hindi mo nalalaman.
4Sa pamamagitan ng iyong karunungan at pang-unawa ay yumaman ka, at nakapag-imbak ng mga ginto at pilak sa iyong kaban ng kayamanan.