Ezekiel 29

Noong ikalabindalawang araw ng ikasampung buwan, nang ikasampung taon ng aming pagkabihag, sinabi sa akin ng Panginoon:

Ezekiel 29:1 (UKJV) In the tenth year, in the tenth month, in the twelfth day of the month, the word of the LORD came unto me, saying,

1Noong ikalabindalawang araw ng ikasampung buwan, nang ikasampung taon ng aming pagkabihag, sinabi sa akin ng Panginoon:

2“Anak ng tao, humarap ka sa Ehipto, at magpropesiya ka laban sa Faraon na hari ng Ehipto at sa mga tagaroon.

3Sabihin mong ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito: Kalaban kita, O Faraon, hari ng Ehipto. Para kang malaking buwaya na nagbababad sa ilog. Sinasabi mong ikaw ang may-ari ng ilog Nilo, at ginawa mo ito para sa iyong sarili.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.