Ezekiel 29

“Anak ng tao, humarap ka sa Ehipto, at magpropesiya ka laban sa Faraon na hari ng Ehipto at sa mga tagaroon.

Ezekiel 29:2 (UKJV) Son of man, set your face against Pharaoh king of Egypt, and prophesy against him, and against all Egypt:

1Noong ikalabindalawang araw ng ikasampung buwan, nang ikasampung taon ng aming pagkabihag, sinabi sa akin ng Panginoon:

2“Anak ng tao, humarap ka sa Ehipto, at magpropesiya ka laban sa Faraon na hari ng Ehipto at sa mga tagaroon.

3Sabihin mong ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito: Kalaban kita, O Faraon, hari ng Ehipto. Para kang malaking buwaya na nagbababad sa ilog. Sinasabi mong ikaw ang may-ari ng ilog Nilo, at ginawa mo ito para sa iyong sarili.

4Ngunit kakawitan ko ng kawil ang iyong panga, at hihilahin kita paahon sa tubig pati na ang mga isdang nakakapit sa iyong mga kaliskis.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.