2“Anak ng tao, humarap ka sa Ehipto, at magpropesiya ka laban sa Faraon na hari ng Ehipto at sa mga tagaroon.
3Sabihin mong ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito: Kalaban kita, O Faraon, hari ng Ehipto. Para kang malaking buwaya na nagbababad sa ilog. Sinasabi mong ikaw ang may-ari ng ilog Nilo, at ginawa mo ito para sa iyong sarili.
4Ngunit kakawitan ko ng kawil ang iyong panga, at hihilahin kita paahon sa tubig pati na ang mga isdang nakakapit sa iyong mga kaliskis.
5Itatapon kita sa ilang ikaw, pati na ang mga isda ng iyong ilog. Ikaw ay babagsak at hahandusay sa lupa at walang kukuha upang maglilibing sa iyo. Ipapakain kita sa mga mababangis na hayop at sa mga ibon doon.
6Malalaman ng lahat ng nakatira sa Ehipto na ako ang Panginoon. “ ‘Sapagkat para kang isang marupok na tungkod na gawa sa tambo para sa mga mamamayan ng Israel.