Ezekiel 29

Malalaman ng lahat ng nakatira sa Ehipto na ako ang Panginoon. “ ‘Sapagkat para kang isang marupok na tungkod na gawa sa tambo para sa mga mamamayan ng Israel.

Ezekiel 29:6 (UKJV) And all the inhabitants of Egypt shall know that I am the LORD, because they have been a staff of reed to the house of Israel.

4Ngunit kakawitan ko ng kawil ang iyong panga, at hihilahin kita paahon sa tubig pati na ang mga isdang nakakapit sa iyong mga kaliskis.

5Itatapon kita sa ilang ikaw, pati na ang mga isda ng iyong ilog. Ikaw ay babagsak at hahandusay sa lupa at walang kukuha upang maglilibing sa iyo. Ipapakain kita sa mga mababangis na hayop at sa mga ibon doon.

6Malalaman ng lahat ng nakatira sa Ehipto na ako ang Panginoon. “ ‘Sapagkat para kang isang marupok na tungkod na gawa sa tambo para sa mga mamamayan ng Israel.

7Nang humawak sila sa iyo, nabiyak ka at nasugatan ang mga bisig nila. Nang sumandal sila sa iyo, nabali ka kaya nabuwal sila at napilayan.

8“ ‘Kaya ako, ang Makapangyarihang Panginoon ay nagsasabing: Ipapasalakay kita sa mga tao na papatay sa mga mamamayan at mga hayop mo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.