Ezekiel 29

Itatapon kita sa ilang ikaw, pati na ang mga isda ng iyong ilog. Ikaw ay babagsak at hahandusay sa lupa at walang kukuha upang maglilibing sa iyo. Ipapakain kita sa mga mababangis na hayop at sa mga ibon doon.

Ezekiel 29:5 (UKJV) And I will leave you thrown into the wilderness, you and all the fish of your rivers: you shall fall upon the open fields; you shall not be brought together, nor gathered: I have given you for food to the beasts of the field and to the fowls of the heaven.

3Sabihin mong ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito: Kalaban kita, O Faraon, hari ng Ehipto. Para kang malaking buwaya na nagbababad sa ilog. Sinasabi mong ikaw ang may-ari ng ilog Nilo, at ginawa mo ito para sa iyong sarili.

4Ngunit kakawitan ko ng kawil ang iyong panga, at hihilahin kita paahon sa tubig pati na ang mga isdang nakakapit sa iyong mga kaliskis.

5Itatapon kita sa ilang ikaw, pati na ang mga isda ng iyong ilog. Ikaw ay babagsak at hahandusay sa lupa at walang kukuha upang maglilibing sa iyo. Ipapakain kita sa mga mababangis na hayop at sa mga ibon doon.

6Malalaman ng lahat ng nakatira sa Ehipto na ako ang Panginoon. “ ‘Sapagkat para kang isang marupok na tungkod na gawa sa tambo para sa mga mamamayan ng Israel.

7Nang humawak sila sa iyo, nabiyak ka at nasugatan ang mga bisig nila. Nang sumandal sila sa iyo, nabali ka kaya nabuwal sila at napilayan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.