Ezekiel 29

Hindi na muling magtitiwala sa kanya ang mga mamamayan ng Israel. Ang nangyari sa Ehipto ay magpapaalala sa Israel ng kanyang kasalanan na paghingi ng tulong sa Ehipto. At malalaman ng mga Israelita na ako ang Makapangyarihang Panginoon.’ ”

Ezekiel 29:16 (UKJV) And it shall be no more the confidence of the house of Israel, which brings their iniquity to remembrance, when they shall look after them: but they shall know that I am the Lord GOD.

14Muli ko silang ibabalik sa Patros sa gawing timog ng Ehipto na siyang lupain ng kanilang mga ninuno. Ngunit magiging mahinang kaharian lang sila.

15Sila ang magiging pinakamahina sa lahat ng kaharian at kahit kailan ay hindi na sila makakahigit sa ibang bansa dahil gagawin ko silang pinakamahinang kaharian. At hindi na sila makakapanakop ng ibang bansa.

16Hindi na muling magtitiwala sa kanya ang mga mamamayan ng Israel. Ang nangyari sa Ehipto ay magpapaalala sa Israel ng kanyang kasalanan na paghingi ng tulong sa Ehipto. At malalaman ng mga Israelita na ako ang Makapangyarihang Panginoon.’ ”

17Noong unang araw ng unang buwan, nang ikadalawampuʼt pitong taon ng aming pagkabihag, sinabi sa akin ng Panginoon,

18“Anak ng tao, ang mga sundalo ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia ay nakipaglaban sa mga sundalo ng Tiro hanggang sa makalbo sila, at magkapaltos-paltos na ang mga balikat nila sa paglilingkod pero wala ring nangyari. Hindi nakuha ni Nebucadnezar at ng mga sundalo niya ang Tiro.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.