16Hindi na muling magtitiwala sa kanya ang mga mamamayan ng Israel. Ang nangyari sa Ehipto ay magpapaalala sa Israel ng kanyang kasalanan na paghingi ng tulong sa Ehipto. At malalaman ng mga Israelita na ako ang Makapangyarihang Panginoon.’ ”
17Noong unang araw ng unang buwan, nang ikadalawampuʼt pitong taon ng aming pagkabihag, sinabi sa akin ng Panginoon,
18“Anak ng tao, ang mga sundalo ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia ay nakipaglaban sa mga sundalo ng Tiro hanggang sa makalbo sila, at magkapaltos-paltos na ang mga balikat nila sa paglilingkod pero wala ring nangyari. Hindi nakuha ni Nebucadnezar at ng mga sundalo niya ang Tiro.
19Ngunit ako, ang Makapangyarihang Panginoon ay nagsasabing: Ipapasakop ko ang Ehipto kay Nebucadnezar na hari ng Babilonia. Sasamsamin niya ang lahat ng kayamanan ng Ehipto bilang bayad sa mga sundalo niya.
20Ibibigay ko sa kanya ang Ehipto bilang gantimpala sa pagpapagal na ginawa niya at ng mga sundalo niya para sa akin, sabi ng Makapangyarihang Panginoon.