Ezekiel 29

Ngunit ako, ang Makapangyarihang Panginoon ay nagsasabing: Ipapasakop ko ang Ehipto kay Nebucadnezar na hari ng Babilonia. Sasamsamin niya ang lahat ng kayamanan ng Ehipto bilang bayad sa mga sundalo niya.

Ezekiel 29:19 (UKJV) Therefore thus says the Lord GOD; Behold, I will give the land of Egypt unto Nebuchadrezzar king of Babylon; and he shall take her multitude, and take her spoil, and take her prey; and it shall be the wages for his army.

17Noong unang araw ng unang buwan, nang ikadalawampuʼt pitong taon ng aming pagkabihag, sinabi sa akin ng Panginoon,

18“Anak ng tao, ang mga sundalo ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia ay nakipaglaban sa mga sundalo ng Tiro hanggang sa makalbo sila, at magkapaltos-paltos na ang mga balikat nila sa paglilingkod pero wala ring nangyari. Hindi nakuha ni Nebucadnezar at ng mga sundalo niya ang Tiro.

19Ngunit ako, ang Makapangyarihang Panginoon ay nagsasabing: Ipapasakop ko ang Ehipto kay Nebucadnezar na hari ng Babilonia. Sasamsamin niya ang lahat ng kayamanan ng Ehipto bilang bayad sa mga sundalo niya.

20Ibibigay ko sa kanya ang Ehipto bilang gantimpala sa pagpapagal na ginawa niya at ng mga sundalo niya para sa akin, sabi ng Makapangyarihang Panginoon.

21“Ezekiel, sa oras na mangyari ito, muli kong palalakasin ang Israel. At malalaman ng mga Israelita na totoo ang sinabi mo. At malalaman nila na ako ang Panginoon.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.