19Ngunit ako, ang Makapangyarihang Panginoon ay nagsasabing: Ipapasakop ko ang Ehipto kay Nebucadnezar na hari ng Babilonia. Sasamsamin niya ang lahat ng kayamanan ng Ehipto bilang bayad sa mga sundalo niya.
20Ibibigay ko sa kanya ang Ehipto bilang gantimpala sa pagpapagal na ginawa niya at ng mga sundalo niya para sa akin, sabi ng Makapangyarihang Panginoon.
21“Ezekiel, sa oras na mangyari ito, muli kong palalakasin ang Israel. At malalaman ng mga Israelita na totoo ang sinabi mo. At malalaman nila na ako ang Panginoon.”