Ezekiel 30

Sasalakayin ang Ehipto at maghihirap ang Etiopia. Maraming mamamatay na taga-Ehipto, sasamsamin ang mga kayamanan nila at wawasakin ito.

Ezekiel 30:4 (UKJV) And the sword shall come upon Egypt, and great pain shall be in Ethiopia, when the slain shall fall in Egypt, and they shall take away her multitude, and her foundations shall be broken down.

2“Anak ng tao, sabihin mo ang ipinasasabi ko sa mga taga-Ehipto. Sabihin mong: Ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: ‘Umiyak kayo nang malakas dahil sa kapahamakang darating sa inyo.

3Sapagkat malapit nang dumating ang araw na iyon, ang araw ng paghatol ng Panginoon. Magiging maulap ang araw na iyon, oras ng kadiliman para sa mga bansa.

4Sasalakayin ang Ehipto at maghihirap ang Etiopia. Maraming mamamatay na taga-Ehipto, sasamsamin ang mga kayamanan nila at wawasakin ito.

5Sa digmaang iyon, mapapatay ang maraming taga-Etiopia, Put, Lydia, Arabia, Libya at iba pang mga bansang kakampi ng Ehipto.

6“ ‘Ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: Mapapahamak ang mga kakampi ng Ehipto at mababalewala ang kanyang ipinagmamalaking kapangyarihan. Mamamatay ang kanyang mga mamamayan mula sa Migdol hanggang sa Aswan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.