3Sapagkat malapit nang dumating ang araw na iyon, ang araw ng paghatol ng Panginoon. Magiging maulap ang araw na iyon, oras ng kadiliman para sa mga bansa.
4Sasalakayin ang Ehipto at maghihirap ang Etiopia. Maraming mamamatay na taga-Ehipto, sasamsamin ang mga kayamanan nila at wawasakin ito.
5Sa digmaang iyon, mapapatay ang maraming taga-Etiopia, Put, Lydia, Arabia, Libya at iba pang mga bansang kakampi ng Ehipto.
6“ ‘Ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: Mapapahamak ang mga kakampi ng Ehipto at mababalewala ang kanyang ipinagmamalaking kapangyarihan. Mamamatay ang kanyang mga mamamayan mula sa Migdol hanggang sa Aswan.
7Magiging tiwangwang ang Ehipto sa lahat ng bansa at ang kanyang mga lungsod ang magiging pinakawasak sa lahat ng mga lungsod.