14Kaya simula ngayon wala nang punong tataas pa sa ibang malagong mga punongkahoy, kahit sagana pa ito sa tubig. Sapagkat ang lahat ng puno ay mamamatay katulad ng tao, at pupunta sa ilalim ng lupa.
15“ ‘Sinabi pa ng Makapangyarihang Panginoon: Kapag dumating na ang araw na ang punong itoʼy pupunta na sa lugar ng mga patay, patitigilin ko ang pag-agos ng mga bukal sa ilalim. Tanda ito ng pagluluksa. Kaya hindi na aagos ang mga ilog, at mawawala ang maraming tubig. Dahil dito, magdidilim sa Lebanon at malalanta ang mga punongkahoy.
16Manginginig sa takot ang mga bansa kapag narinig nila ang pagbagsak ng punong ito sa oras na dalhin ko na ito sa lugar ng mga patay, upang makasama niya ang mga namatay na. Sa gayon, ang lahat ng puno sa Eden at ang lahat ng magaganda at piling puno ng Lebanon na natutubigang mabuti ay matutuwa roon sa ilalim ng lupa.
17Ang mga bansang sumisilong at kumakampi sa kanya ay sasáma rin sa kanya roon sa lugar ng mga patay kasama ng mga namatay sa digmaan.
18“ ‘Sa anong puno sa Eden maihahambing ang kagandahan mo at kapangyarihan, Faraon? Ngunit ihuhulog ka rin sa ilalim ng lupa kasama ng mga puno ng Eden. Doon ay magkakasama kayo ng mga taong hindi tuli na namatay sa digmaan. “ ‘Iyan ang mangyayari sa Faraon at sa mga tauhan niya. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.’ ”