Ezekiel 31

“ ‘Sa anong puno sa Eden maihahambing ang kagandahan mo at kapangyarihan, Faraon? Ngunit ihuhulog ka rin sa ilalim ng lupa kasama ng mga puno ng Eden. Doon ay magkakasama kayo ng mga taong hindi tuli na namatay sa digmaan. “ ‘Iyan ang mangyayari sa Faraon at sa mga tauhan niya. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.’ ”

Ezekiel 31:18 (UKJV) To whom are you thus like in glory and in greatness among the trees of Eden? yet shall you be brought down with the trees of Eden unto the nether parts of the earth: you shall lie in the midst of the uncircumcised with them that be slain by the sword. This is Pharaoh and all his multitude, says the Lord GOD.

16Manginginig sa takot ang mga bansa kapag narinig nila ang pagbagsak ng punong ito sa oras na dalhin ko na ito sa lugar ng mga patay, upang makasama niya ang mga namatay na. Sa gayon, ang lahat ng puno sa Eden at ang lahat ng magaganda at piling puno ng Lebanon na natutubigang mabuti ay matutuwa roon sa ilalim ng lupa.

17Ang mga bansang sumisilong at kumakampi sa kanya ay sasáma rin sa kanya roon sa lugar ng mga patay kasama ng mga namatay sa digmaan.

18“ ‘Sa anong puno sa Eden maihahambing ang kagandahan mo at kapangyarihan, Faraon? Ngunit ihuhulog ka rin sa ilalim ng lupa kasama ng mga puno ng Eden. Doon ay magkakasama kayo ng mga taong hindi tuli na namatay sa digmaan. “ ‘Iyan ang mangyayari sa Faraon at sa mga tauhan niya. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.’ ”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.