Ezekiel 32

Noong unang araw ng ikalabindalawang buwan, nang ikalabindalawang taon ng aming pagkabihag, sinabi sa akin ng Panginoon:

Ezekiel 32:1 (UKJV) And it came to pass in the twelfth year, in the twelfth month, in the first day of the month, that the word of the LORD came unto me, saying,

1Noong unang araw ng ikalabindalawang buwan, nang ikalabindalawang taon ng aming pagkabihag, sinabi sa akin ng Panginoon:

2“Anak ng tao, managhoy ka para sa Faraon, ang hari ng Ehipto. Sabihin mo sa kanya: ‘Ang akala moʼy isa kang leon na parooʼt parito sa mga bansa. Ngunit ang totooʼy tulad ka ng isang buwayang lumalangoy sa sarili mong ilog. Kinakalawkaw ng iyong mga paa ang tubig at itoʼy lumalabo dahil sa putik.

3“ ‘Kaya ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon sa iyo: Huhulihin kita gamit ang aking lambat at ipakakaladkad sa maraming tao.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.