Ezekiel 32

“Anak ng tao, managhoy ka para sa Faraon, ang hari ng Ehipto. Sabihin mo sa kanya: ‘Ang akala moʼy isa kang leon na parooʼt parito sa mga bansa. Ngunit ang totooʼy tulad ka ng isang buwayang lumalangoy sa sarili mong ilog. Kinakalawkaw ng iyong mga paa ang tubig at itoʼy lumalabo dahil sa putik.

Ezekiel 32:2 (UKJV) Son of man, take up a lamentation for Pharaoh king of Egypt, and say unto him, You are like a young lion of the nations, and you are as a whale in the seas: and you came forth with your rivers, and troubled the waters with your feet, and fouled their rivers.

1Noong unang araw ng ikalabindalawang buwan, nang ikalabindalawang taon ng aming pagkabihag, sinabi sa akin ng Panginoon:

2“Anak ng tao, managhoy ka para sa Faraon, ang hari ng Ehipto. Sabihin mo sa kanya: ‘Ang akala moʼy isa kang leon na parooʼt parito sa mga bansa. Ngunit ang totooʼy tulad ka ng isang buwayang lumalangoy sa sarili mong ilog. Kinakalawkaw ng iyong mga paa ang tubig at itoʼy lumalabo dahil sa putik.

3“ ‘Kaya ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon sa iyo: Huhulihin kita gamit ang aking lambat at ipakakaladkad sa maraming tao.

4Pagkatapos ay itatapon kita sa lupa, at ipapakain sa mga ibon at mga hayop sa gubat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.