2“Anak ng tao, managhoy ka para sa Faraon, ang hari ng Ehipto. Sabihin mo sa kanya: ‘Ang akala moʼy isa kang leon na parooʼt parito sa mga bansa. Ngunit ang totooʼy tulad ka ng isang buwayang lumalangoy sa sarili mong ilog. Kinakalawkaw ng iyong mga paa ang tubig at itoʼy lumalabo dahil sa putik.
3“ ‘Kaya ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon sa iyo: Huhulihin kita gamit ang aking lambat at ipakakaladkad sa maraming tao.
4Pagkatapos ay itatapon kita sa lupa, at ipapakain sa mga ibon at mga hayop sa gubat.
5Ang iyong laman ay aking ikakalat sa mga kabundukan at mga lambak.
6Didiligan ko ng dugo mo ang lupain, gayon din ang kabundukan at padadaluyin ko ito sa mga daanan ng tubig.