Ezekiel 32

“ ‘Kaya ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon sa iyo: Huhulihin kita gamit ang aking lambat at ipakakaladkad sa maraming tao.

Ezekiel 32:3 (UKJV) Thus says the Lord GOD; I will therefore spread out my net over you with a company of many people; and they shall bring you up in my net.

1Noong unang araw ng ikalabindalawang buwan, nang ikalabindalawang taon ng aming pagkabihag, sinabi sa akin ng Panginoon:

2“Anak ng tao, managhoy ka para sa Faraon, ang hari ng Ehipto. Sabihin mo sa kanya: ‘Ang akala moʼy isa kang leon na parooʼt parito sa mga bansa. Ngunit ang totooʼy tulad ka ng isang buwayang lumalangoy sa sarili mong ilog. Kinakalawkaw ng iyong mga paa ang tubig at itoʼy lumalabo dahil sa putik.

3“ ‘Kaya ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon sa iyo: Huhulihin kita gamit ang aking lambat at ipakakaladkad sa maraming tao.

4Pagkatapos ay itatapon kita sa lupa, at ipapakain sa mga ibon at mga hayop sa gubat.

5Ang iyong laman ay aking ikakalat sa mga kabundukan at mga lambak.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.