Ezekiel 31

Ah, maihahalintulad kita sa Asiria, ang bansa na parang puno ng sedro sa Lebanon. Ang punong itoʼy may magaganda at malalagong sanga na nagbibigay-lilim sa ibang mga puno at naging mataas na halos kapantay ng mga ulap.

Ezekiel 31:3 (UKJV) Behold, the Assyrian was a cedar in Lebanon with fair branches, and with a shadowing shroud, and of an high stature; and his top was among the thick boughs.

1Noong unang araw ng ikatlong buwan, nang ikalabing-isang taon ng aming pagkabihag, sinabi sa akin ng Panginoon,

2“Anak ng tao, ito ang sabihin mo sa Faraon na hari ng Ehipto at sa mga mamamayan niya: ‘Kanino ko kaya maihahalintulad ang iyong kapangyarihan?

3Ah, maihahalintulad kita sa Asiria, ang bansa na parang puno ng sedro sa Lebanon. Ang punong itoʼy may magaganda at malalagong sanga na nagbibigay-lilim sa ibang mga puno at naging mataas na halos kapantay ng mga ulap.

4Sagana ito sa tubig mula sa malalim na bukal na nagpapalago sa kanya, at umaagos sa lahat ng puno sa buong kagubatan.

5Kaya ang punong itoʼy mas mataas kaysa sa lahat ng puno sa kagubatan. Ang mga sanga ay mahahaba at ang mga dahon ay mayayabong dahil sagana sa tubig.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.