2“Anak ng tao, ito ang sabihin mo sa Faraon na hari ng Ehipto at sa mga mamamayan niya: ‘Kanino ko kaya maihahalintulad ang iyong kapangyarihan?
3Ah, maihahalintulad kita sa Asiria, ang bansa na parang puno ng sedro sa Lebanon. Ang punong itoʼy may magaganda at malalagong sanga na nagbibigay-lilim sa ibang mga puno at naging mataas na halos kapantay ng mga ulap.
4Sagana ito sa tubig mula sa malalim na bukal na nagpapalago sa kanya, at umaagos sa lahat ng puno sa buong kagubatan.
5Kaya ang punong itoʼy mas mataas kaysa sa lahat ng puno sa kagubatan. Ang mga sanga ay mahahaba at ang mga dahon ay mayayabong dahil sagana sa tubig.
6Ang lahat ng klase ng ibon ay nagpugad sa kanyang mga sanga, ang lahat ng hayop sa gubat ay nanganak sa ilalim ng kanyang puno, at ang lahat ng tanyag na bansa ay sumilong sa kanyang lilim.