Ezekiel 31

Ang lahat ng klase ng ibon ay nagpugad sa kanyang mga sanga, ang lahat ng hayop sa gubat ay nanganak sa ilalim ng kanyang puno, at ang lahat ng tanyag na bansa ay sumilong sa kanyang lilim.

Ezekiel 31:6 (UKJV) All the fowls of heaven made their nests in his boughs, and under his branches did all the beasts of the field bring forth their young, and under his shadow dwelt all great nations.

4Sagana ito sa tubig mula sa malalim na bukal na nagpapalago sa kanya, at umaagos sa lahat ng puno sa buong kagubatan.

5Kaya ang punong itoʼy mas mataas kaysa sa lahat ng puno sa kagubatan. Ang mga sanga ay mahahaba at ang mga dahon ay mayayabong dahil sagana sa tubig.

6Ang lahat ng klase ng ibon ay nagpugad sa kanyang mga sanga, ang lahat ng hayop sa gubat ay nanganak sa ilalim ng kanyang puno, at ang lahat ng tanyag na bansa ay sumilong sa kanyang lilim.

7Napakaganda ng punong ito. Mahahaba ang sanga at mayayabong ang dahon, sapagkat ang mga ugat ay malalalim at umaabot sa maraming tubig.

8Ang mga puno ng sedro sa halamanan ng Diyos ay hindi makakapantay sa kanya. Kahit ang mga puno ng abeto at puno ng platano ay hindi maihahambing sa kagandahan ng kanyang mga sanga. Hindi maihahalintulad sa anumang puno sa halamanan ng Diyos ang kagandahan ng punong ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.