Ezekiel 31

Ang mga puno ng sedro sa halamanan ng Diyos ay hindi makakapantay sa kanya. Kahit ang mga puno ng abeto at puno ng platano ay hindi maihahambing sa kagandahan ng kanyang mga sanga. Hindi maihahalintulad sa anumang puno sa halamanan ng Diyos ang kagandahan ng punong ito.

Ezekiel 31:8 (UKJV) The cedars in the garden of God could not hide him: the fir trees were not like his boughs, and the chestnut trees were not like his branches; nor any tree in the garden of God was like unto him in his beauty.

6Ang lahat ng klase ng ibon ay nagpugad sa kanyang mga sanga, ang lahat ng hayop sa gubat ay nanganak sa ilalim ng kanyang puno, at ang lahat ng tanyag na bansa ay sumilong sa kanyang lilim.

7Napakaganda ng punong ito. Mahahaba ang sanga at mayayabong ang dahon, sapagkat ang mga ugat ay malalalim at umaabot sa maraming tubig.

8Ang mga puno ng sedro sa halamanan ng Diyos ay hindi makakapantay sa kanya. Kahit ang mga puno ng abeto at puno ng platano ay hindi maihahambing sa kagandahan ng kanyang mga sanga. Hindi maihahalintulad sa anumang puno sa halamanan ng Diyos ang kagandahan ng punong ito.

9Pinaganda ng Diyos ang punong ito sa pamamagitan ng maraming sanga. Kaya nainggit sa kanya ang lahat ng puno sa Eden, ang halamanan ng Diyos.

10“ ‘Kaya sinabi ng Makapangyarihang Panginoon: Dahil naging mapagmataas ang punong ito at higit na mataas kaysa ibang punongkahoy, at ipinagmamalaki niya ang kanyang sarili,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.