Ezekiel 31

Pinaganda ng Diyos ang punong ito sa pamamagitan ng maraming sanga. Kaya nainggit sa kanya ang lahat ng puno sa Eden, ang halamanan ng Diyos.

Ezekiel 31:9 (UKJV) I have made him fair by the multitude of his branches: so that all the trees of Eden, that were in the garden of God, envied him.

7Napakaganda ng punong ito. Mahahaba ang sanga at mayayabong ang dahon, sapagkat ang mga ugat ay malalalim at umaabot sa maraming tubig.

8Ang mga puno ng sedro sa halamanan ng Diyos ay hindi makakapantay sa kanya. Kahit ang mga puno ng abeto at puno ng platano ay hindi maihahambing sa kagandahan ng kanyang mga sanga. Hindi maihahalintulad sa anumang puno sa halamanan ng Diyos ang kagandahan ng punong ito.

9Pinaganda ng Diyos ang punong ito sa pamamagitan ng maraming sanga. Kaya nainggit sa kanya ang lahat ng puno sa Eden, ang halamanan ng Diyos.

10“ ‘Kaya sinabi ng Makapangyarihang Panginoon: Dahil naging mapagmataas ang punong ito at higit na mataas kaysa ibang punongkahoy, at ipinagmamalaki niya ang kanyang sarili,

11kaya ibibigay ko siya sa pinuno ng mga makapangyarihang bansa. At tiyak na paparusahan siya ayon sa kasamaan niya. Oo, itatakwil ko siya;

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.