1Noong unang araw ng ikatlong buwan, nang ikalabing-isang taon ng aming pagkabihag, sinabi sa akin ng Panginoon,
2“Anak ng tao, ito ang sabihin mo sa Faraon na hari ng Ehipto at sa mga mamamayan niya: ‘Kanino ko kaya maihahalintulad ang iyong kapangyarihan?
3Ah, maihahalintulad kita sa Asiria, ang bansa na parang puno ng sedro sa Lebanon. Ang punong itoʼy may magaganda at malalagong sanga na nagbibigay-lilim sa ibang mga puno at naging mataas na halos kapantay ng mga ulap.
4Sagana ito sa tubig mula sa malalim na bukal na nagpapalago sa kanya, at umaagos sa lahat ng puno sa buong kagubatan.