15Kapag ginawa ko nang tiwangwang ang Ehipto at nawasak ko na ang lahat, at kapag nalipol ko na rin ang mga nakatira rito, malalaman nila na ako ang Panginoon.’
16“Ito ang panaghoy ng mga bansa para sa Ehipto at sa mga mamamayan nito, sabi ng Makapangyarihang Panginoon.”
17Noong ikalabindalawang taon, nang ikalabinlimang araw ng buwan ding iyon, sinabi sa akin ng Panginoon,
18“Anak ng tao, magluksa ka para sa mga mamamayan ng Ehipto at sa iba pang makapangyarihang bansa. Dahil ihuhulog ko sila sa kailaliman ng lupa kasama ng mga namatay na.
19Sabihin mo sa kanila, ‘Nakakahigit ba kayo kaysa sa iba? Kayo rin ay ihuhulog doon sa ilalim ng lupa kasama ng mga hindi tuli