Ezekiel 33

Kapag ginawa ko nang tiwangwang ang lupain dahil sa mga kasuklam-suklam na ginawa ng mga naninirahan dito, malalaman nilang ako ang Panginoon.’

Ezekiel 33:29 (UKJV) Then shall they know that I am the LORD, when I have laid the land most desolate because of all their abominations which they have committed.

27“Sabihin mo ito sa kanila: ‘Ako, ang Makapangyarihang Panginoon na buhay, ay sumusumpang mamamatay sa digmaan ang mga taong iyon na natirang buháy sa mga nagibang lungsod. Ang mga natira namang buhay sa mga bukid ay kakainin ng mababangis na hayop, at ang iba na nasa mga pinagtataguan nila at nasa mga kuweba ay mamamatay sa sakit.

28Gagawin kong tiwangwang ang lupain ng Israel at aalisin ko ang kapangyarihang ipinagmamalaki niya. Magiging tiwangwang kahit ang mga kabundukan niya at wala nang dadaan doon.

29Kapag ginawa ko nang tiwangwang ang lupain dahil sa mga kasuklam-suklam na ginawa ng mga naninirahan dito, malalaman nilang ako ang Panginoon.’

30“At ikaw naman, anak ng tao, pinag-uusapan ka ng mga kababayan mo kapag nagtitipon sila sa pader at sa pintuan ng kanilang mga tahanan. Sinasabi nila sa isaʼt isa, ‘Halikayo, pakinggan natin si Ezekiel kung ano ang sasabihin niya mula sa Panginoon!’

31Kaya magkakasamang pumunta sa iyo ang mga mamamayan ko na nagpapanggap lang na gustong makinig sa iyo, pero hindi nila sinusunod ang mga sinasabi mo. Magaling silang magsalita na mahal nila ako, ngunit ang nasa puso nila ay kasakiman sa pera.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.