Ezekiel 33

“At ikaw naman, anak ng tao, pinag-uusapan ka ng mga kababayan mo kapag nagtitipon sila sa pader at sa pintuan ng kanilang mga tahanan. Sinasabi nila sa isaʼt isa, ‘Halikayo, pakinggan natin si Ezekiel kung ano ang sasabihin niya mula sa Panginoon!’

Ezekiel 33:30 (UKJV) Also, you son of man, the children of your people still are talking against you by the walls and in the doors of the houses, and speak one to another, every one to his brother, saying, Come, I pray you, and hear what is the word that comes forth from the LORD.

28Gagawin kong tiwangwang ang lupain ng Israel at aalisin ko ang kapangyarihang ipinagmamalaki niya. Magiging tiwangwang kahit ang mga kabundukan niya at wala nang dadaan doon.

29Kapag ginawa ko nang tiwangwang ang lupain dahil sa mga kasuklam-suklam na ginawa ng mga naninirahan dito, malalaman nilang ako ang Panginoon.’

30“At ikaw naman, anak ng tao, pinag-uusapan ka ng mga kababayan mo kapag nagtitipon sila sa pader at sa pintuan ng kanilang mga tahanan. Sinasabi nila sa isaʼt isa, ‘Halikayo, pakinggan natin si Ezekiel kung ano ang sasabihin niya mula sa Panginoon!’

31Kaya magkakasamang pumunta sa iyo ang mga mamamayan ko na nagpapanggap lang na gustong makinig sa iyo, pero hindi nila sinusunod ang mga sinasabi mo. Magaling silang magsalita na mahal nila ako, ngunit ang nasa puso nila ay kasakiman sa pera.

32Para sa kanila, isa kang magaling na mang-aawit ng mga awit na tungkol sa pag-ibig at isang magaling na manunugtog. Pinakikinggan nila ang mga sinasabi mo, pero hindi nila sinusunod.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.