Ezekiel 34

Akoʼy magiging tulad ng pastol na naghahanap sa kawan niyang nakakalat. Ililigtas ko sila saang lugar man sila nakakalat noong panahon ng kaguluhang iyon.

Ezekiel 34:12 (UKJV) As a shepherd seeks out his flock in the day that he is among his sheep that are scattered; so will I seek out my sheep, and will deliver them out of all places where they have been scattered in the cloudy and dark day.

10Ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: Kalaban ko kayo, at may pananagutan kayo sa nangyari sa aking mga tupa. Hindi ko na ipagkakatiwala sa inyo ang aking mga tupa dahil ang sarili lang ninyo ang inyong inaalagaan. Ililigtas ko ang mga tupa mula sa inyo upang hindi na ninyo sila makain.

11“Sapagkat ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: Ako mismo ang maghahanap sa aking mga tupa at mag-aalaga sa kanila.

12Akoʼy magiging tulad ng pastol na naghahanap sa kawan niyang nakakalat. Ililigtas ko sila saang lugar man sila nakakalat noong panahon ng kaguluhang iyon.

13Titipunin ko sila mula sa ibaʼt ibang bansa at dadalhin sa sarili nilang lupain. Doon ko sila aalagaan sa mga kabundukan ng Israel, sa tabi ng ilog at mga lupang tinitirhan ng tao.

14Dadalhin ko sila sa sariwang pastulan sa kabundukan ng Israel. Dooʼy manginginain sila habang namamahinga.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.