26Pagpapalain ko sila at ang mga lugar sa paligid ng aking banal na bundok. Padadalhan ko sila ng ulan sa tamang oras bilang pagpapala sa kanila.
27Mamumunga ang mga punongkahoy at mga pananim nila, at mamumuhay silang ligtas sa anumang panganib. Malalaman nilang ako ang Panginoon kapag pinalaya ko na sila sa mga umalipin sa kanila.
28Hindi na sila aabusuhin ng ibang mga bansa at hindi na sila lalapain ng mga mababangis na hayop. Mamumuhay silang ligtas sa panganib at wala nang katatakutan.
29Bibigyan ko sila ng matabang lupain na magbibigay ng masaganang ani upang hindi sila magutom o kutyain ng ibang bansa.
30At malalaman nila na ako, ang kanilang Panginoong Diyos na kasama nila, at silang mga mamamayan ng Israel, ang aking mga mamamayan, sabi ng Makapangyarihang Panginoon.