Ezekiel 34

Bibigyan ko sila ng matabang lupain na magbibigay ng masaganang ani upang hindi sila magutom o kutyain ng ibang bansa.

Ezekiel 34:29 (UKJV) And I will raise up for them a plant of renown, and they shall be no more consumed with hunger in the land, neither bear the shame of the heathen any more.

27Mamumunga ang mga punongkahoy at mga pananim nila, at mamumuhay silang ligtas sa anumang panganib. Malalaman nilang ako ang Panginoon kapag pinalaya ko na sila sa mga umalipin sa kanila.

28Hindi na sila aabusuhin ng ibang mga bansa at hindi na sila lalapain ng mga mababangis na hayop. Mamumuhay silang ligtas sa panganib at wala nang katatakutan.

29Bibigyan ko sila ng matabang lupain na magbibigay ng masaganang ani upang hindi sila magutom o kutyain ng ibang bansa.

30At malalaman nila na ako, ang kanilang Panginoong Diyos na kasama nila, at silang mga mamamayan ng Israel, ang aking mga mamamayan, sabi ng Makapangyarihang Panginoon.

31Kayo ang mga tupa sa aking pastulan, kayo ang aking mga mamamayan, at ako ang inyong Diyos, sabi ng Makapangyarihang Panginoon.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.