Ezekiel 34

Hindi ninyo pinalalakas ang mahihina, hindi ninyo ginagamot ang mga maysakit o hinihilot at binebendahan ang mga pilay. Hindi ninyo hinahanap ang naliligaw at nawawala. Sa halip, pinagmalupitan nʼyo pa sila.

Ezekiel 34:4 (UKJV) The diseased have all of you not strengthened, neither have all of you healed that which was sick, neither have all of you bound up that which was broken, neither have all of you brought again that which was driven away, neither have all of you sought that which was lost; but with force and with cruelty have all of you ruled them.

2“Anak ng tao, magsalita ka laban sa mga bantay ng Israel. Sabihin mo sa kanila na ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi: Nakakaawa ang mga bantay ng Israel. Ang sarili lang ninyo ang inyong inaalagaan! Hindi ba ang mga bantay ang dapat nag-aalaga sa mga tupa?

3Iniinom ninyo ang gatas nila, ginagawang damit ang mga balahibo nila at kinakatay ninyo ang mga malulusog na hayop, pero hindi ninyo sila inaalagaan.

4Hindi ninyo pinalalakas ang mahihina, hindi ninyo ginagamot ang mga maysakit o hinihilot at binebendahan ang mga pilay. Hindi ninyo hinahanap ang naliligaw at nawawala. Sa halip, pinagmalupitan nʼyo pa sila.

5At dahil walang nagbabantay sa kanila, nangalat sila at nilapa ng mababangis na hayop.

6Naligaw ang mga tupa ko sa mga bundok at burol. Nangalat sila sa buong mundo at walang naghanap sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.