Ezekiel 34

Iniinom ninyo ang gatas nila, ginagawang damit ang mga balahibo nila at kinakatay ninyo ang mga malulusog na hayop, pero hindi ninyo sila inaalagaan.

Ezekiel 34:3 (UKJV) All of you eat the fat, and all of you clothe you with the wool, all of you kill them that are fed: but all of you feed not the flock.

1Nagpahayag ang Panginoon sa akin:

2“Anak ng tao, magsalita ka laban sa mga bantay ng Israel. Sabihin mo sa kanila na ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi: Nakakaawa ang mga bantay ng Israel. Ang sarili lang ninyo ang inyong inaalagaan! Hindi ba ang mga bantay ang dapat nag-aalaga sa mga tupa?

3Iniinom ninyo ang gatas nila, ginagawang damit ang mga balahibo nila at kinakatay ninyo ang mga malulusog na hayop, pero hindi ninyo sila inaalagaan.

4Hindi ninyo pinalalakas ang mahihina, hindi ninyo ginagamot ang mga maysakit o hinihilot at binebendahan ang mga pilay. Hindi ninyo hinahanap ang naliligaw at nawawala. Sa halip, pinagmalupitan nʼyo pa sila.

5At dahil walang nagbabantay sa kanila, nangalat sila at nilapa ng mababangis na hayop.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.