Ezekiel 35

“Anak ng tao, humarap ka sa Bundok ng Seir; at sabihin mo ito laban sa mga mamamayan niya.

Ezekiel 35:2 (UKJV) Son of man, set your face against mount Seir, and prophesy against it,

1Sinabi sa akin ng Panginoon:

2“Anak ng tao, humarap ka sa Bundok ng Seir; at sabihin mo ito laban sa mga mamamayan niya.

3Sabihin mong ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi: Kalaban ko kayo, mga taga-bundok ng Seir. Parurusahan ko kayo at magiging tiwangwang ang inyong lugar.

4Magigiba at magiging tiwangwang ang mga bayan ninyo. At malalaman ninyo na ako ang Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.