Ezekiel 35

Sabihin mong ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi: Kalaban ko kayo, mga taga-bundok ng Seir. Parurusahan ko kayo at magiging tiwangwang ang inyong lugar.

Ezekiel 35:3 (UKJV) And say unto it, Thus says the Lord GOD; Behold, O mount Seir, I am against you, and I will stretch out mine hand against you, and I will make you most desolate.

1Sinabi sa akin ng Panginoon:

2“Anak ng tao, humarap ka sa Bundok ng Seir; at sabihin mo ito laban sa mga mamamayan niya.

3Sabihin mong ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi: Kalaban ko kayo, mga taga-bundok ng Seir. Parurusahan ko kayo at magiging tiwangwang ang inyong lugar.

4Magigiba at magiging tiwangwang ang mga bayan ninyo. At malalaman ninyo na ako ang Panginoon.

5“Matagal na ninyong kinimkim ang inyong galit sa Israel, at pinabayaan lang ninyo sila sa digmaan sa panahon ng kanilang kagipitan, ang panahon na pinarurusahan sila dahil sa kanilang mga kasalanan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.