Ezekiel 35

“Matagal na ninyong kinimkim ang inyong galit sa Israel, at pinabayaan lang ninyo sila sa digmaan sa panahon ng kanilang kagipitan, ang panahon na pinarurusahan sila dahil sa kanilang mga kasalanan.

Ezekiel 35:5 (UKJV) Because you have had a perpetual hatred, and have shed the blood of the children of Israel by the force of the sword in the time of their calamity, in the time that their iniquity had an end:

3Sabihin mong ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi: Kalaban ko kayo, mga taga-bundok ng Seir. Parurusahan ko kayo at magiging tiwangwang ang inyong lugar.

4Magigiba at magiging tiwangwang ang mga bayan ninyo. At malalaman ninyo na ako ang Panginoon.

5“Matagal na ninyong kinimkim ang inyong galit sa Israel, at pinabayaan lang ninyo sila sa digmaan sa panahon ng kanilang kagipitan, ang panahon na pinarurusahan sila dahil sa kanilang mga kasalanan.

6Kaya ako, ang Makapangyarihang Panginoon na buhay, ay sumusumpang ipapapatay ko kayo kahit saan kayo pumunta. Hahabulin kayo ng mamamatay-tao dahil pumatay din kayo.

7Gagawin kong tiwangwang ang bundok ng Seir at papatayin ko ang lahat ng dumadaan dito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.