4Magigiba at magiging tiwangwang ang mga bayan ninyo. At malalaman ninyo na ako ang Panginoon.
5“Matagal na ninyong kinimkim ang inyong galit sa Israel, at pinabayaan lang ninyo sila sa digmaan sa panahon ng kanilang kagipitan, ang panahon na pinarurusahan sila dahil sa kanilang mga kasalanan.
6Kaya ako, ang Makapangyarihang Panginoon na buhay, ay sumusumpang ipapapatay ko kayo kahit saan kayo pumunta. Hahabulin kayo ng mamamatay-tao dahil pumatay din kayo.
7Gagawin kong tiwangwang ang bundok ng Seir at papatayin ko ang lahat ng dumadaan dito.
8Ang mga namatay sa inyo sa digmaan ay kakalat sa mga kabundukan, kaburulan, lambak at sa mga daluyan ng tubig.