6Kaya ako, ang Makapangyarihang Panginoon na buhay, ay sumusumpang ipapapatay ko kayo kahit saan kayo pumunta. Hahabulin kayo ng mamamatay-tao dahil pumatay din kayo.
7Gagawin kong tiwangwang ang bundok ng Seir at papatayin ko ang lahat ng dumadaan dito.
8Ang mga namatay sa inyo sa digmaan ay kakalat sa mga kabundukan, kaburulan, lambak at sa mga daluyan ng tubig.
9Gagawin kong tiwangwang ang inyong lugar sa habang panahon. Wala nang titira sa mga bayan ninyo. At malalaman ninyo na ako ang Panginoon.
10“Sinasabi ninyo na ang mga bansang Juda at ang Israel ay magiging inyo, at aangkinin ninyo ito kahit ako, ang Panginoon, ay kasama nila.