Ezekiel 35

“Sinasabi ninyo na ang mga bansang Juda at ang Israel ay magiging inyo, at aangkinin ninyo ito kahit ako, ang Panginoon, ay kasama nila.

Ezekiel 35:10 (UKJV) Because you have said, These two nations and these two countries shall be mine, and we will possess it; whereas the LORD was there:

8Ang mga namatay sa inyo sa digmaan ay kakalat sa mga kabundukan, kaburulan, lambak at sa mga daluyan ng tubig.

9Gagawin kong tiwangwang ang inyong lugar sa habang panahon. Wala nang titira sa mga bayan ninyo. At malalaman ninyo na ako ang Panginoon.

10“Sinasabi ninyo na ang mga bansang Juda at ang Israel ay magiging inyo, at aangkinin ninyo ito kahit ako, ang Panginoon, ay kasama nila.

11Kaya ako, ang Makapangyarihang Panginoon na buhay, ay sumusumpang gagantihan ko kayo sa inyong galit, inggit at poot, na ipinadama ninyo sa mga mamamayan ko. Kaya malalaman ninyong ako ang Panginoon habang pinarurusahan ko kayo.

12Sa ganitong paraan, malalaman din ninyong ako ang Panginoon na nakaririnig ng lahat ng paglapastangan ninyo sa mga bundok ng Israel. Sapagkat sinasabi ninyong, ‘Wasak na ito, sakupin na natin!’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.