10“Sinasabi ninyo na ang mga bansang Juda at ang Israel ay magiging inyo, at aangkinin ninyo ito kahit ako, ang Panginoon, ay kasama nila.
11Kaya ako, ang Makapangyarihang Panginoon na buhay, ay sumusumpang gagantihan ko kayo sa inyong galit, inggit at poot, na ipinadama ninyo sa mga mamamayan ko. Kaya malalaman ninyong ako ang Panginoon habang pinarurusahan ko kayo.
12Sa ganitong paraan, malalaman din ninyong ako ang Panginoon na nakaririnig ng lahat ng paglapastangan ninyo sa mga bundok ng Israel. Sapagkat sinasabi ninyong, ‘Wasak na ito, sakupin na natin!’
13Nagmalaki kayo sa akin. Kinutya nʼyo ako at narinig ko ito.
14Ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: Habang nagagalak ang buong mundo, gagawin kong tiwangwang ang inyong lupain.